Less is more.

Welcome to my site. This 2013, I'll try to blog more and live more. Hope you'll enjoy my posts! :)

Tuesday, December 29, 2009

expect less or not expect at all?

Malapit ng matapos ang 2009. ilang araw na lang at magbabagong taon na naman. sana sa pagbago ng taon ay pagbago din ng mga bagay bagay. Yung mga bagay na hindi mo ineexpect na magbago. pero syempre. asa ka pa. expect less.

mag twe-2010 na. at kalakip nito ang mga aral na natututunan ko. mga aral na mas higit na natututunan at nakukuwa sa apat na sulok ng silid-aralan. mga aral na kailangang dalhin habang buhay. mga aral na maaring magbago sayo. mga aral na hindi mo dapat kalimutan. dont expect at all.

ano ba talaga dapat? kailan ba dapat mag-expect? kailan ba dapat bawasan ang pageexpect sa mga bagay bagay? o di naman kaya'y kailan ba dapat hindi magexpect at all? ano bang difference ng nagfefeeling at nageexpect? pero feeling ko (feeling ko lang) na depende yan sa tao o bagay na pinag-eexpectan mo. hindi ba? minsan kasi you expect too much from someone (o syempre tao to.) you want to be friends with but he/she does not feel you at all. minsan naman eh sa lahat lahat ng tao/bagay na hindi mo ineexpect eh sila/ito pa ang magbibigay ng hinihintay mo. kaya ang saya, ang gulo. nakakaloko.

Sa ngayun, masaya ako at ngayun pa lang eh nakikita ko na ang disadvantage of expecting too much from someone. hindi nga mganda. panget. para ka lang tanga na naghihintay sa wala. kaya minsan wag na lang umasa sa mga bagay na sa simula't sapol eh hindi naman mangyayari. maging masaya ka na lang kasi hindi ka nagkulang sa pagpapakita sa taong yun kung ano yung kaya mong gawin sa kanya/iba. maging masaya ka na lang kasi ngayun pa lang eh alam mo na na hindi mangyayari ang isang bagay at hindi ka na magmumukhang tanga sa kahihintay sa wala. maging masaya ka na lang kasi naging totoo ka.

Basta, magpakasaya ka na lang. lilipas din ang panahon at matatawa ka na lang kapag binalkan mo ang panahon na namuti na ang mata mo kakahintay sa wala at sasabihin "haha, buti na lang at naisip ko agad na hindi mangyayari yun. (sabay ngiti)." pero salamat sa iyo/ sa mga taong nagpakita sa akin na dapat kong alamin kung kailan mageexpect at kailan hindi. :)

at ngayun, malapit na namang magpasukan, hindi ko ineexpect na matatapos ko ang dapat kong gawin para sa acads ngayun pa't isang linggo na lang ang nalalabi para magsaya. kaya sige. kailangan makatapos ako ng gagawin. para naman makaexpect ako ng magandang grade. haha. :)

expect less or not expect at all? it depends.

Sunday, December 13, 2009

Trabaho lang walang personalan

dapat talaga eh hindi ako gagawa ng blog today. kasi nga nakablog na ako kahapon. at ayaw kong gawing parang diary na lang tong blogger ko na masyadong nakabulatlat sa nakararami. pero hindi ko kayang palagpasin ang araw na ito ng hindi ko nasasabi o naibabagagi ang isang bagay na kailangn kong itatak sa sarili ko.

sabi ko tuloy. 'oo nga no, minsan kailangan talagang mangyari ang mga bagay bagay para may ma-realize ka at may matutunan.' at talaga pa lang magandang makipagkaibigan ka sa mga taong mas mataas sayo at minsan eh mas mataas ka. (there would always be lesser and greater person than you- ika nga ng isang indibidwal).

kani-kanina lang eh kausap ko si alma tungkol sa isang bagay. dahil nga ay sanay na siya sa mundo ng showbiz at marami na siyang nakasalamuhang tao eh masasabi ko na mas may alam siya pagdating sa pakikitungo sa mga tao. namomorblema kasi ako sa reporting namin para sa id14 na hindi pa tapos ang video. eh sa tuesday na ipapasa un. so panic mode ako ngayun. tinawagan niya ako, and yun nagusap nga kami. sinabi ko sa kanya ang lahat lahat. na hindi nga ako sana'y sa mga ganitong sitwasyon. at higit sa lahat ay lagi kong sinasabi sa kanya na "baka galit siya sa akin dahil sa nangyari" at marami pang iba. In short, mas nagaalala ako sa sasabihin ng iba kaysa sa project namin na sa tuesday na ipapalabas.

"you know what, hindi makakatulong sa project natin ang mga iniisip mo." sabi niya. bigla akong na "shut up wesley, listen." sa sinabi niya at napaisip sa mga bagay bagay. inexplain niya ang principle na "trabaho lang walang personalan". at naintindihan ko naman kung ano yung gusto niyang iparating sa akin. naintindihan ko with my whole heart and mind na masyado akong OA at paranoid sa mga bagay na hindi naman dapat intindihan dahil mas marami pang kailangan isipan kaysa sa mga walang kwentang bagay. natapos ang usapan namin ng naipamuka niya sa akin na hindi ako dapat magalala sa mga sasabihin ng tao as long as maganda ang intensyon mo.

"remember always that when tasks has to be done, we should focus and set aside feelings. you should not rely on whether you please people or not as long as you constantly tell yourself you're a good person with good intentions u wont feel scared whether people will like you or not. believe me, your personality is likable."

Salamat sa lessons alma.

malapit na. pero bakit malayo pa rin?

12:18 am. sinasamantala ko lang ang gabing ito dahil wala na ako masyadong iniisip para sa susunod na linggo. though may lantern pa at reporting sa id 14, "kebs" lang ika nga ni rie.

lantern. malapit na nga ang pasko. kung hindi ako nagkakamali eh, mga 12 days na lang bago mag pasko. oh my. papakantahin na ang 12 days of christmas. nakakaexcite. pero bakit ganun? papalapit na nga ang pasko ngunit mas lalong hindi ko nafefeel ang kapaskuhan. parang may kulang. parang may puwang. parang wala lang. sa paglipas ng taon ay pawala na din ng pasko. kailan kaya mawawala ito ng tuluyan? para sana'y na ang mga tao. ako. ikaw. para hindi na tayo nagtatanong na "ay malapit na ba?", "12 days na lng ba?", "ano ang ireregalo ko sa mga kaibigan ko, eh wala ako ngayun?".

fireworks. mas excited pa ako para sa new year. kasi maingay ang lahat. mas maraming pagkain. at saka bago ang taon. pero bakit luma ka pa rin? ano nga ba ang tawag sa listahan ng babaguhin sa sarili? (pati yun nakalimutan ko na. wa epek din naman kasi eh) oh basta yun. parang bale wala din naman yun. nabubulok lang yung mga pangako mo sa sarili mo. ginagawa mo lng tanga ang sarili mo sa mga bagay na ginagawa mo lang kasi yun yung IN. lahat meron. lahat may ganun. pero sa totoo, hindi mo rin nman bibigayn ng halaga. ang kakalabasan tuloy ay ang lumang ikaw. dating ikaw, dating wesley. dating ako.

wish ko lang ngayung pasko ay mas makilala ko pa ang sarili ko. yung makita yung authentic na wesley. yung wesley-ing hindi nakikigaya kung anong meron ang iba. yung wesley-ing hindi finifilter ang mga sasabihin. yng wesley-ing mas mabuti (in all aspect), at yung wesley-ing hindi nadidiktahan ng ibang tao, bagay o pangyayari. siguro nga kulang lang ako sa pakikisama. o di naman kaya'y kulang lang ako ng paniniwala sa sarili ko. maraming siguro. isa lang ang sigurado ako sa nagyun.

at yun ay: the only constant thing in this world is change. bakit doon ako sigurado? eh kasi totoo siya. marami kasing pabagobago sa mundo. marami lang ang hindi nagbabago kasi nakilala sila bilang ganon sa simula't sapol pa lang. kung baga, pag nagbago pa sila eh baka hindi na sila kilalanin ng taong kinilala siya nung una. kaya aun. natatakot siya.

oh well, papel, dumbell.

malapit na kaya? sana hindi na siya lumayo pa.

Wednesday, November 11, 2009

bayad po. katipunan. ESTUDYANTE.

5:01 am - nag-alarm ang phone. snooze.
5:05 am - nang-gising ang phone. snooze.
5:10 am - nang-bulabog ang phone. tayo.

Unang araw ng [asukan namin at medyo excited at kinakabahan ako. natural na lang naman sa ating mga estudyante ang ganitong karanasan. dali-dali kong niligpit ang kama kasi baka ma late ako. 6:00 am dapat wala na ag anino ko sa bahay. naligo. nagbihis, kumain, nagtoothbrush, tumingin sa salamin, nag-goodbye kiss (naks!) kay mama, nagpaalam kay chem-o (aso) then alis. sa wakas!!! nandidito na naman ako sa tapat ng gate ng subdivision namin at naghihintay ng jeep. shooooot system! ang walang katapusang jeep. ang jeep na cubao ang bumubungad sa akin. pero ano to? puno! bale wala din. ayoko namang sumabit, baka madisgrasya pa ako. so cge, hintay pa. ayun. cubao jeep! puno. cge, hintay pa. yahoo. cubao jeep, hindi puno kaya makipagunahan na sa mga tao. sa pagkahaba haba ng pagkakatayo ko kahihintay ng jeep, salamat naman at nakaupo na din. nagbayad.

"Bayad po! (pasigaw). Katipunan. ESTUDYANTE!" sa halagang 16 pesos.

minsan tuloy naisip kona parang ang sarap maging estudyante kung lahat ng babayaran o bibilhin mo ay may discount. parang kay willie revillame lang. sabihin mo lang ang pangalan niya sa technomarine (tama ba spelling?) VWALA! 20% discount. Oha. Paano kaya kung bibili ka ng burger sa mcdo.maari mo kayang sabihin na "hmmm. isa nga pong chicken sandwhich, ESTUDYANTE!" o di namna kaya'y "ito po ang sapatos, bibilhin ko. ESTUDYANTE!" o diba. sarap maging estudyante kung ganito man ang kalalagyan namin/natin. kaya kung ako sayo, lubus-lubosin mo na dahil meron ka na lang tatlo-apat na taon upang gamitin ang makapangyarihang salita, ESTUDYANTE!

"saan ito?" ang driver.
"katipunan." ako.
"galing saan?" ang driver ulit.
"Golden city." ako ulit.

Na miss ko'to ang pwet na kalahati lang ang nakaupo, ang maduming usok na dala ng mga hari ng kalasada, ang mga busina nito at ang trapik. KAASAR! walang kapatusang TRAFFIC. pakasaya.

sana may bumaba na para makapahinga naman ang pwet kong umaaray. ayun. may ilan-ilan din ang bumaba. nahiya yata. salamat. VOLLEYGOLF. grabe! labinlimang minuto na ang nakalipas ah. nandidito pa din ako. buti na lang may mp4 at sirang earphone ako. ok na. naaliw na ko kahit papaano.

party in the usa. zero gravity, down, one two three, freakun dress, get me body, all this time, beautiful, constantly. VOLLEYGOLF!!!!grabe ka naman. joke lang. umusad naman ako kahit papaano. nasa junction naman ako. sa wakas. lumipas ang mga oras.

dive, sweet dreams, hush hush, insomia, de javu, bla bla, doo doo, daadaa, gee gee grr grr... ayun oh. nasa bandang junction pa din ako. hay pilipinas kong mahal, mabuhay ka! ninais kong matulog sa kinauupuan ko pero di ko kaya at di ko magawang matulog dahil naririndi din ako sa mga beep beep ng jeep at ang urong sulong na drama ng sinasakyan ko. tinanawow~ ko ang labas. napa wow talaga ako. sandamakmak ang mga nilalangna naghihintay ng kanilang kapalaran. kaawa-awa, puno lahat ang jeep, wala silang maskayan...

---ooops. hindi ko na natapos. at nawala na ang kopya sa akin ng blog na ito.----

Monday, November 9, 2009

nakikiuso.

Sorry. Makikiuso lang po.

i told myself not to write a blog anymore. and here i am, writing one. reasons for not writing a blog? di naman kasi ako marunong sumulat. hindi ko forte. takot ako ma-judge dahil sa mga sinusulat ko, finifilter ko yung mga sinasabi ko. di ako palabasang tao (so syempre kung di marunong magbasa, edi hindi ka rin ganon kabihasa magsulat.), hindi ko world ang pagsusulat, nahihiya ako, takot ako sa ideyang "baka walang bumasa. oh kung mabasa man nila eh baka manghinayang sila sa lumipas na oras". tamad akong magsulat, parang mas madaming dapat gawin kesa magsulat, masyado akong busy para dito. in short madrama ako. maarte.

so bakit pa ko nandidito. hindi ko din alam. walang magawa, pwede. nakikiuso. oo. nagmamagaling. OO. marami na kasi akong kaibigan na may blog. so i decided to have one. and here i am, writing my first ever blog sa blogger.

wala na akong masabi. ay. bukas nga pala ang first day ng second sem ng first year of stay ko sa school. hindi ko alam kung anong dapat gawin. excited. pero mas kinakabahan na kasi ako dahil hindi ko alam ang kahihinatnan ng sem na ito. hindi naman sa pinapangunahan ko ang sarili ko. pero syempre, sino bang estudyante ang ayaw ng magandang sem dahil mabait ang teacher at mataas magbigay ng grade, oh di naman kaya'y ,masayang kasama ang mga kakalasmeyt mo. syempre wala! at isa na ako sa bilang ng mga estudyanteng gusto ang lahat ng mga nabanggit. sana lang talaga ay tama ang mga mundong pinasukan ko ngayung sem.

ang mga mundong papasukan: ID11 at ID14, ARCH 3 and 20, ARTSTUD 2 at GE1 at ang pinakahinintay ko! ang PE2 STD. mukhang ok naman (sana.) ang mga ito. hindi ko lang alam sa mga prof. sana ok din.

so un. un lang. nawawalan na naman ako ng sasabihin. hai buhay.
sorry, dahil nakikiuso lang.

WESLEY! GET A LIFE!