Less is more.

Welcome to my site. This 2013, I'll try to blog more and live more. Hope you'll enjoy my posts! :)

Tuesday, November 9, 2010

ano kayang mangyayari

this sem? ano ang magiging kapalaran ko this sem? why do i care so much for this coming sem? bakit hindi ako mapalagay sa sem na ito? tatamarin kaya ako sa sem na t0? haiii...

bat ba ang dami kong tanong?

Monday, October 18, 2010

This is me as of the moment.



I have an upcoming exam in English 11 and this is how i feel while reading reviews in the internet... i am really burnt out. I lost my appetite in studying because this sem got all my juices, whatever you call it, in studying... plus the weather we have right now adds up to cozy feeling and lazy atmosphere in our house. all i think right now is to finish this worst semester ever... after today's exam I WANT TO PARTY HARD. party like, like its the end of the world... we gotta party like, like its 2012... and get drunk like this man over here....



HAHAHA... BASAG!

Saturday, October 16, 2010

kinabahan

ako nung sinabi ko na 1.5 ang grade ko sa mbb... for some odd reasons. i really hope that's true! I HOPE!!!

Malapit na ba matapos?

ang sem na ito? kailan ba? may exam pa ako sa lunes... at parang sembreak ko na rin naman na. pero hindi ko din ma feel kasi meron pa nga akong essay exam sa monday... at dahil essay ito... hindi ko alam talaga kung kailan at papaano ba ako magaaral para rito... ang mas maganda pang tanong e kung mag-aaral pa ba ako... kating kati na kasi akong mag PARTY PARTY at alam mo yun... gumala at matulog na matiwasay..

speaking of matiwasay... sa tingin ko naman ay matutulog ako ng mag ngiti sa aking mga labi, kahit papaano... kasi naman... hindi ko inaasana talaga na makakakuwa ako ng isang marka sa MBB1 na sa tingin ko ay kagulat gulat talaga... hindi ko alam kung papaano ko ito nakuwa o di naman kaya e kung papaano ako naka-survive dito... as in hindi ko talaga alam... ang alam ko lang e mahirap siya para sa akin at makakakuwa ako ng grade na mas mababa pa... pero ganon talaga! God moves in mysterious ways! as in hindi ko alam kung pano naging ganon ang final grade ko... pero nagpapasalamat ako at nkuwa ko iyon...

1.5 nga pala ang nakuwa ko.

at may nalaman pala ako ngayon sa aming dinner nila ate faith, cj an and sam... hindi pal tamang spelling ang trumphet.... Trumpet pala! HAHAHAHA... SORRRYY...

Tuesday, October 5, 2010

three minor plates... bow




ok lang ba? :)

Tired




pagod. ito ako isang linggo na ang nakaraan habang nagaayos kami ng exhibit. ang bilis na pala ng oras, parang noong isang linggo lang e nagdidikit kami ng masking tape sa pader, nagsisigawan, nagtatawanan at kung ano ano pa. matapos ang isang linggo eh ganon pa rin naman ang aming ginagawa pero para tapusin na ang aming exhbit, dismantling na kasi.

hai, napakasaya ng naging exhibit namin. maraming nakaappreciate at marami din ang natuwa. hindi ko inakalang ganon ang kalalabasan ng halos isang buwan naming preparasyon sa aming exhibit. ang bilis, ang bilis bilis ng oras.

sa bilis ng oras e napagod nadin ako kakagawa ng mga bagay bagay. kailan ba ito matatapos? sana sem break na dahil pagod na pagod na pagod na pagod na ako. at dahil din sa pagod ko e halos isinuka ko na itong sem na ito. worst sem ever. pero sige ganon naman talaga, wala tayong magagawa... kaya siguro tatawa na lang ako.


paumanhin sa napakawalang kwentang blog. sabog lang talaga ako ngayon! at yahooo! tapos na ang three minor plates!!!!

Friday, June 11, 2010

Chem-o


CHEM-O

Ito ang pangalawang pagkakataon na gawan ko ng isang blog ang aso naming si chem-o. Ang naging una kong blog ay sa aking multiply site: http://wesley01sanbeda.multiply.com/journal/item/61/chem-o. Kung babalikan ko, masasabi kong puno ng pagmamahal ang nakasulat dito. Sinabi kong mahal ko siya at sana ay mahal niya rin ako. Pero bakit ganon? mukhang umaasim na ang relasyon namin.

Grabe. Siya na ang pinaka-maingay at pinaka maarteng asong nakilala ko. Tahol ng tahol parang asong ulol (aso siya malamang, pero naasar lang ako kapag tahol siya ng tahol). Dito sa aming kanto e siya lang ang pinakamaingay na asong maririnig mo. Hudyat na iyon na gusto na niyang kumain o di naman kaya'y tumae. Pero bakit ganon? Siya lang ba ang asong ganito? Yung ibang aso naman sa aming kanto e hindi ganito, tahimik sila. Hindi sila kasing arte ng aso namin. Ang nakakasar pa minsan dito e kapag ilalabas mo siya (dahil nga tahol siya ng tahol sa kanyang kulungan) e tatahol pa din siya. Tapos papakainin ko siya ng tinapay... tapos ipapasok ulit sa kulungan... tapos tahol ulit siya ng tahol... sa totoo lang... nakakaulol na siya. Ulol na ulol na ako sa kanya.

Sana nagsaalita na lang sila para naman hindi din ako mairita at mahiwagahan sa kung anong gusto niya sa mga panahong tahol siya ng tahol. Sana nakakaintindi din sila na pagod din ako at kailangan magpahinga. Sana e malinawagan ako sa mga nangyayari sa kanya. Sana alam ko kung ano ba talaga yung itinatahol niya. Sana... sana... sana... sana naging aso na din ako para magkaintindihan kami. Pero wag naman sana. Ang gulo.

Pagkakamali ko din naman. Alam kong nawawalan na din ako ng oras kanya. Gawa na din ng mga ginagawa sa skul. Pero sana maintindihan niya din ako. Pero parang hindi. Mas dapat intindihin ko siya. Aso siya, Tao ako. May kakayahan akong umintindi at unti lamang ang sa kanya. Hay. Ewan ko. LQ kami ngayon. Yun ang konkretong alam ko.

Sana lang maintindihan ko ang nais niyang sabihin sa akin. Yun lang at walang ng iba.

Monday, June 7, 2010

Summer love

Ito na talaga ang pinakamasang summer ko. Ito. Ito. Ito. Walang ng iba.

Ang sarap isipin na marami akong ginawa nitong nagdaang buwan. Mga bagay na hindi ko inaasahan na magagawa ko. Buti na lang e may checklist ako ng mga bagay na kinakailangan kong gawin sa taong ito. Pero hindi ko pa nakukumpleto ang aking listahan. Wala pa nga ako sa kalahati. Pero ok lang. Kaya ko to.

Hay, ang sarap mabuhay. Hindi ko lubos maisip na may nagawa ako ngayong summer. Dati kasi lumang tugtugin na ang "Wala akong ginawa nitong summer". At kung susumahin ko ang "boring" statement ko, Hmmm... Siguro tatlo hanggang lima ko lang sinabi ito. Unti lang naman talaga ang mga pangyayari sa akin nitong nagdaan na buwan. Pero lahat ng ito e may halaga, lahat e may saysay, lahat ay napagpulutan ng aral. Kaya naman napakasaya ko dahil masasabi kong "time well spent".


[check] Summer job!

Ito talaga ang isa sa mga pangyayari sa akin na mamimiss ko. Libo libong papel ang aking nahawakan at milyong milyon din ang tsekeng nahawakan ko. OO! Isa sa pinakamalaking tseke na nakita ko e may halagang apat na milyong piso. Ang sayang isipin na nakahawak na ako ng ganitong kalaking tseke. Ngunit mahirap tanggapin na hindi sa akin ito nakapangalan. Pero ok lang. Makakawak din ako ng ganitong kalaking pera. Hindi pa ngayon. Pero alam ko balang araw. Hindi na masama ang pitong libo kong kita upang simulan at makamit ang apat na milyong tseke na akin lamang nahawakan. Pitong libo para sa 28 araw kong pagtratrabaho na may 219 na oras. Hindi na masama. Pero hindi din biro ang aking ginawa. Kahit nakakapagod e nagsaya ako. Totoo ngang hindi lang sa apat na sulok ng silid aralan mo malalaman ang mga bagay na kailangan mong malaman. Dahil ang totoo, sa labas ng silid na ito ang mga mas mahahalagang kaalamanan na dapat nating malaman. Hindi ko talaga ito makakalimutan


[check] Manuod ng show/concert ni Vice Ganda.

HAHAHAHAHA. Nakakatuwa talaga si Vice Ganda. Magaling siya dahil napuno niya talaga ang Araneta. Masaya ang naging konsyerto niya. May mga dead airs pero ok lang. May mga pagkakamali pero ok lang. Ang mas mahalaga e nakapagbigay saya siya sa akin pati na din sa aking ina. Sulit na sulit ang humigit kumulang na dalawang libong ticket na aming ginastos. Sa unting sandaling inilaan ko sa Araneta e ganon naman katagal ang sayang naibigay sa akin ng pangyayaring ito. Pag may problema... Itawa lang yan. Kapag may anumalya... Mawawala din yan. Kapag may aberya.... lilipas din yan. Itawa mo na lang. Sasaya ka pa. Pero hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa tawa. May mga ilan na kinakailangan ng sapat na atensyon at panahon upang ayusin at kumpunihin ang dapat kumpunihin. Saka na magsaya ng lubusan pagkatapos ng problema. Pero ngayon... Tumawa ka muna... Dahil bukas... PASUKAN NA!


Hindi talaga to kasama sa checklist ko.. Isa ito sa mga nagbigay kulay sa summer ko. :D

Marahil ito na ang kumumpleto sa summer ko. Maraing nangyari sa dalawang araw at isang gabing nakasama ko ang aking kapamilya sa choir na aking nasalihan. Masasabi kong nagkaroon ako ng boses at na naramdaman ko ang "appreciation" na hinahanap ko sa iba ngunit... ngunit hindi ko mahanap. Pero ok lang yun. Ganon talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng oras e makukuwa mo ang ginugusto mo. Hindi sa lahat ng oras e magiging masaya ka. Hindi sa lahat ng oras e matatanggap ka ng tao. May ilan na kilala ka. Pero iba yung kilala ka sa kinilala ka. Yung una ay sa pangngalan ka lang kilala pero ang huli ay kilala ang iyong pagkatao. Ngunit, masyado pang maaga upang sabihin na kilala na nila ako dahil ako mismo ay sasabihin kong hindi ko pa rin sila ganon kakilala. Darating at darating din tayo diyan. PERO SALAMAT TALAGA SA INYO AT NAPUNAN NIYO ANG PUWANG NA NARAMADAMAN KO NOONG MGA PANAHON NA YON.... tamaAAAAAAAAAAAA! :D

Hindi lang dito talaga nagtapos ang buhay ko ngayong summer. Marami pa. Katulad ng hindi ko pagkuwa ng aking klase sa iskul, ang pagboto ko sa unang automated election ng bansa, panunuod ko ng apat na palabas sa loob ng isang araw, pagkaroon ko ng external drive (1 terabyte, kasama talaga to sa plano ko), makanuod ng 3D movie lame? ba? haha... pero kasama talaga yan at marami pang iba. Hay... Ang sarap pala talaga mabuhay.

Ngayon, hindi ko masasabing summer = boring dahil naniniwala ako na ang summer = love

Sunday, May 23, 2010

Pasukan na naman

Ilang linggo na lang ang natitira bago magpasukan. Grabe. Talaga nga namang napakabilis na ng panahon ngayon. Parang kailan lang e gradeschool ka pa lang. Wala ka pa sa tamang pagiisip mo. Tapos, makalipas ang ilang taon (na talaga namang napakabilis kung lumipas) e hayskul ka na, kung kailan unti-unting namumulat ang mga mata mo sa tunay na itsura ng mundo. Tapos, pagmulat mo nung isang araw e papasok ka nang magisa upang suungin ang mga taong gugulin mo sa kolehiyo.

Parang kailan lang. Hai. Nakakamiss. Madami akong namimiss sa mga ritwal na ginagawa natin noon bago magpasukan. Alam kong napagdaanan mo din ito. Lahat naman siguro ng mga naging estudyante e naranasan ito. Hindi nga lang parepareho ang naranasan ng lahat. Natatandaan mo ba yung mga araw na umiiyak ka pa kapag hindi nabili ang gustong mong pencil case? E yung mga oras na sumisimple ka sa magulang mo na kunwari'y tumitingin ka sa isang bagay sa loob ng book store at tila ba may ipinapahiwatig ka sa magulang mo na "Ma, Pa, kailangan ko ito." (Sinasabi mo ito gamit ang pagkilos at paggalaw mo. Iniisip mo ito kahit hindi mo naman talaga ito kailangan). Yung mga sandaling parang laro lang sa atin ang pagpupulot ng magandang pencil case (yung tipong dalawang palapag ang yari), makukulay na nowtbuk, matutulis na lapis, mga ereyser na hugis ulo ng mga hayop at kung ano ano pa. Alam kong naiintindihan mo ako. Alam kong alam mo din ito. At higit na alam kong naranasan mo ito. Pero, alam nating lahat na hindi na ito mauulit.

Mabilis nga masyado ang panahon. Sadyang mapaglaro ang oras. Parang kailan lang e nagsasaya tayo sapagkat tapos na ang mga eksams. Parang kahapon lang e ramdam na ramdam natin ang init ng araw. Mabilis lang ba talaga ang oras o baka naman ay masyado lang akong nagbabalik sa aking/ating nakaraan?

O. Natapos na naman ang isang gabing pagsusulat. Baka bukas o makalawa e babangitin ko na ang mga katagang "Pasukan na naman?!"

Monday, May 17, 2010

Sa likod ng mga telon



Sa likod ng mga telon...

Sa dinami dami na ng mga palabas, mula sa dula hanggang sa mga konsyerto, ay tila ba may napapansin akong lagi nating nakakaligtaan. Mga taong naghirap, nagsumikap, nagalay ng kanilang oras, nagsakripisyo at nagpuyat para lamang makapagbigay ng isang magandang palabas. Sila ang mga tong natatakpan ng kasikatan ng mga stars. Mga taong di na bibigyan ng halaga ng mga manunuod dahil nabulag sila sa kung sino ang nakikita nila sa harapan. Sila ang mga nilalang sa likod ng mga telon.

Noong nakaraang sabado, May 15, 2010, ay nanuod ako at ang aking ina ng konsyerto ni Vice ganda, isang komedyante na kilala dito sa ating bansa. Namangha ako sa galing niyang magpatawa ng tao. At mas lalo akong namangha sapagkat napuno niya ang Araneta Coliseum. Di hamak na nakagawa na nga siya ng kanyang sariling pangalan sa industryang kanyang pinasukan. Pero paano ang ilan? Paano ang iba? Paano sila? Hindi rin ba sila makatatanggap ng pagpunyagi at papuri sa mga taong nanuod sa kanya?

Alam ko ang pakiramdam ng ganito.Kalimitan nung ako ay nasa hayskul pa lamang ay sanay na akong maging tauhan ng mga sinasabi nating stars na gumaganap sa entablado. Simula sa pagiging props coordinator hanggang sa piliin akong maging direktor ng mga nakatataas sa akin ay nagawa ko na. Lahat yan ay napagdaanan ko na at masasabi kong hindi madali ang ginagawa nila/ko kapag may mga okasyong kailangang magpakitang gilas sa ibang tao. Pero ang kinaibahan lamang ng aking naranasan sa mga taong nasa likod ng mga telon sa isang engrandeng palabas e nakakakuha ako ng papuri na higit sa papuring natatanggap ng iba. Pero, sa totoo lang e hindi ko pa alam kung talaga bang hindi nabibigyan ng karampatang puri ang mga taong aking tinutukoy. Kaya naman masasabi kong walang kredibilidad ang mga sinsabi ko.

Ang akin lang naman, base sa aking nakikita e para bang may kulang. Parang hindi balanse ang pagtingin ng ilan sa atin sa mga stars at ng mga tauhan nito. Oo, masasabi kong may pagkakaiba ang mundong kanilang ginagalawan. Magkaiba sila ng daan na tinatahak. Pero sa huli ay sa iisang lugar lamang ang kanilang kailangang datnan... at yun ay ang makagawa ng magandang produksyon. Pero ang masakit e hindi lahat ay nakakakuwa nga ng papuri. Maaring lahat ay nakakukuwa ng parangal pero hindi ang papuri.

Kaya ko ito ginawa at sinulat ay para puriin ang mga taong naghirap ng husto pero nasapawan ang kanilang hirap ng mga gumaganap sa entablado. Ako'y humaganga sa inyo dahil sa dedikasyong meron kayo upang makagawa ng isang mahusay at magandang palabas. Kung hinangaan ko si Vice Ganda (o kung sino mang stars diyan) ay mas lalo ko kayong hinagangaan dahil alam ko sa sarili ko na hindi biro ang ginagawa niyo para sa mga artistang gumaganap. Marahil hindi nga sapat ang papuri na inyong tinatanggap pero sa kabila nito, ako mismo ang magsasabing hindi sa papuri nababatay kung gaano kagaling ang inyong ginawa kundi sa kung anong dinala at dinulot nito sa inyong palabas. Hindi man namin makita ng personal kung pano niyo ito ginagawa ay sapat na ang isang maganda at mahusay na pagtatanghal upang sabihin na "Kayo ang tunay na stars sa gabing ito!"

Saturday, May 15, 2010

40 php


Naranasan mo na ba ang manakawan? maganchohan? makupitan? matsansingan? manakawan ng halik? ma-snatchan? ma-holdap? ma-kidnap?

Pwes, ako hindi pa. At hindi ko nanaising mangyari sa akin itong mga ito. (except lang sa manakawan ng halik? JOKE! HAHA)

Itong summer e dapat magklaklase ako sa aming unibersidad. Pero dahil sa mga kamalian ng taong nagencode ng timeslot ng ctws2 sa crs e pinakancel ko at nagfile ako/kami ng refund. 2,912.50 php ang aking binayad noon para makapasok sa cwts 2 na kulang ko. Hindi madali ang pagpapaenroll sa aming unibersidad. at sa tingin ko e hindi lang ako ang nagsasabi nito. Katakot takot na pila, matinding init ng araw, matinding init ng ulo ng mga kausap mo sa likod ng mga salamin o windows ang pagdadaanan mo bago ka makapasok sa IISANG klase. Ganyan kami sa UP. PAHIRAPAN ANG PAGENROLL!

Anyway. Bakit ko ba nasama ang school ko dito? Ay tama! kung mamatandaan ko pala e nag demand kami for a refund. Hindi madali ang pagsumite ng mga papeles para sa refund na ito.. Dito mo mararanasan na ibabato ka ng taong kausap mo sa ibang tao at yung taong pupuntahan mo e ibabato ka din sa taong unang kinalagyan mo. Matinding paglalakad ang kailangan bago makakuwa ng kakapirasong papel. At isang buwan din ang gugulin mo sa paghihintay sa isang papel na ang tawag ay tseke (check).

Pero bakit parang feeling ko ay ninakawa ako? Ganito kasi yun. Sa almost 3k kong binayad para sa isang klaseng hindi ko naman alam na hindi ko pala pwedeng kunin at hindi ko rin naman pagkakamali ang pagkuwa ko rito (at ipinahiwatig din ito ng kausap ko sa registrar) ay ang makukuwa ko lang eh (see title above). OO! yan lang ang makukuha ko! Hindi ko alam kung bakit. natanong ko tuloy kung anong pangdededuct ang ginagawa nila sa kanilang computation. Kung malintikan ka nga naman talaga. Saka, in the first place e hindi ko naman kasalanan ang lahat pero bakit ganito ang kahihinatnan ko sa dulo. Siguro ang kasalanan ko lang e nagpalinlang ako agad sa crs at hindi mana lang ako nagtaka kung bakit may cwts2 sa crs. tamang asar lang talaga!

Sa atin diyan.. wag tayong magpapalinlang agad agad. sa mga bagay bagay na nakikita natin.. mahirap na baka magdusa din tayo sa huli.

itsbeenawhile

Parang ang tagal na since nakapagblog ako dito sa blogspot. Sa dinamidami ba naman ng mga SNS sa internet e mahirap ng i-update ang mga ito ng sabay sabay.. Kulang ang tatlong oras para makapag-catch up ka sa mga kaibigan mo at kakilala mo. Kaya ito ako ngayon, medyo nakakaligtaan na ang paggamit ng blogspot which reminds me also of one of my plans this 2010 and that is to write AT LEAST 200 blogs this year. idky but i feel like writing 200 blogs (sensible or not) this year. and i think this one im writing right now would/shall count.

so? how's life? ito, different wesley... i think? trying to change. for the better. well, words cant explain the things/feelings im going thru this past few months. i am not saying that im having a drastic change from who i am before to who i am right now. ako pa naman din si wesley. Same old wesley that you first saw and heard here on blog spot... only better.

im tyring to control myself now. tyring to hold back the things that i think will not be of great help. trying also to increase my capacity to understand things, people and events. bakit ganito.. bakit ganyan... bottomline... leaving the past behind and unwrapping the new me. it feels great when you are on this stage. alam kong hindi ako maiintindihan ng mga tao sa paligid ko. (and that is actually what i am anticipating as of now).. but i know, they, too, will understand the "change" within me.

why am i doing this (telling you that i am changing)? Well, itsbeenawhile since i last updated my blog... kung baga this will serve as my notice so you will not be shocked when i write blogs that is not so wesley.. well. ako pa din naman ito. drinadramahan ko lang ang pagsulat. :D pero kidding aside, i am looking forward for this change. for this new blog spot and for the me... this is not only for the betterment of me but for the welfare of our nation. cliche? no... may pagkatotoo yan.

blogging essential stuff soon.

on the second thought? Alam mo ba kung kailan ka dapat mag change? just asking kasi baka masyado akong madrama sa mga pinagsasabi ko? :D HAHA