Less is more.

Welcome to my site. This 2013, I'll try to blog more and live more. Hope you'll enjoy my posts! :)

Friday, June 11, 2010

Chem-o


CHEM-O

Ito ang pangalawang pagkakataon na gawan ko ng isang blog ang aso naming si chem-o. Ang naging una kong blog ay sa aking multiply site: http://wesley01sanbeda.multiply.com/journal/item/61/chem-o. Kung babalikan ko, masasabi kong puno ng pagmamahal ang nakasulat dito. Sinabi kong mahal ko siya at sana ay mahal niya rin ako. Pero bakit ganon? mukhang umaasim na ang relasyon namin.

Grabe. Siya na ang pinaka-maingay at pinaka maarteng asong nakilala ko. Tahol ng tahol parang asong ulol (aso siya malamang, pero naasar lang ako kapag tahol siya ng tahol). Dito sa aming kanto e siya lang ang pinakamaingay na asong maririnig mo. Hudyat na iyon na gusto na niyang kumain o di naman kaya'y tumae. Pero bakit ganon? Siya lang ba ang asong ganito? Yung ibang aso naman sa aming kanto e hindi ganito, tahimik sila. Hindi sila kasing arte ng aso namin. Ang nakakasar pa minsan dito e kapag ilalabas mo siya (dahil nga tahol siya ng tahol sa kanyang kulungan) e tatahol pa din siya. Tapos papakainin ko siya ng tinapay... tapos ipapasok ulit sa kulungan... tapos tahol ulit siya ng tahol... sa totoo lang... nakakaulol na siya. Ulol na ulol na ako sa kanya.

Sana nagsaalita na lang sila para naman hindi din ako mairita at mahiwagahan sa kung anong gusto niya sa mga panahong tahol siya ng tahol. Sana nakakaintindi din sila na pagod din ako at kailangan magpahinga. Sana e malinawagan ako sa mga nangyayari sa kanya. Sana alam ko kung ano ba talaga yung itinatahol niya. Sana... sana... sana... sana naging aso na din ako para magkaintindihan kami. Pero wag naman sana. Ang gulo.

Pagkakamali ko din naman. Alam kong nawawalan na din ako ng oras kanya. Gawa na din ng mga ginagawa sa skul. Pero sana maintindihan niya din ako. Pero parang hindi. Mas dapat intindihin ko siya. Aso siya, Tao ako. May kakayahan akong umintindi at unti lamang ang sa kanya. Hay. Ewan ko. LQ kami ngayon. Yun ang konkretong alam ko.

Sana lang maintindihan ko ang nais niyang sabihin sa akin. Yun lang at walang ng iba.

No comments:

Post a Comment