Less is more.

Welcome to my site. This 2013, I'll try to blog more and live more. Hope you'll enjoy my posts! :)

Sunday, September 4, 2011

Butil ng bigas


Someday, I'll get there! :)

Nangangarap ako. Ang sarap isipin paminsan-minsan kung ano nga bang meron ako at kung sino ang magiging ako pag dating ng panahon. Alam mo nung mga bata tayo, pag tinatanong tayo ng ating mga magulang o mga kamag-anak "Ano gusto mo paglaki?" Minsan sasagutin ko sila ng "Gusto ko yung doktor, yung maraming pera sa kamay." Nakakatawang isipin na ganito ang isip ko nung bata pa ako. Pinangarap kong maging doktor pero base sa pagkakasabi ko eh mukha yatang gusto kong maging konduktor. Ang layo naman yata ng doktor sa konduktor maliban na nga lang sa may 'doktor' na meron silang dalawa.

Noong bata pa ako mataas ang pangarap ko. Kahit naman ngayon, mataas pa din ito. Gusto kong maging tanyag sa larangan na aking tinatahak. Pero may mga panahon na nawawalan ako ng gana upang makamit ang gusto kong makuwa. Sa araw-araw na nilalagi ko sa mundo ay siya namang hirap at mga 'realizations' ang aking nakikita at nararanasan. Mga bagay na sabihin na lang natin na bumabalakid sa mga gusto kong mangayari.

Ano nga ba ang ga ito? Marami akong mga naiisip sa ngayon pero baka hindi tayo matapos at baka maging nobela itong entry na ito. Basta ang alam ko e nabubuhay pa din ako upang makamit ang aking mga pangarap na tutulong hindi lang sa akin pati narin sa aking mga magulang. Alam kong wala pa ako sa kalahati o sa kalahati ng kalahati sa landas na aking tinatahak pero kahit papaano ay meron pa rin sa aking sarili, may natittira pa naman kahit papaano, na gustong makamtan ang aking mga pangarap yun nga lang alam kong hindi ito magiging madali. Isa lang naman ang kalaban ko dito e, ang aking sarili. Kailangan ko syang talunin. Yun nga lang, Papaano?

Simulan ko kaya muna sa isang butil ng bigas?

No comments:

Post a Comment