Less is more.
Monday, August 22, 2011
Salamat at Biyernes na naman!
Sabi nila, kailangan daw pagpahingahin ang katawan pa minsan minsan. Paminsan-minsan? Ano nga ba ang ibig sabihin kapag sinabi natin ang salitang ito? Kung ako ang tatanungin, paminsan-minsan sa akin ay 'once a week - at least!' Ganyan ako mag-gantimpala sa aking katawan sa pagod na kanyang dinadanas sa linggu-linggong pagharap sa drafting table at pakikinig-kuno sa aking mga propesor. Para bang hinahanap hanap ng aking katawan ang sarap ng labas at ang ginhawa na nadadama sa paglayo sa lugar na nagpapaalala sa akin ng salitang 'stress'.
Sa linggu-linggo kong pag-labas at pag-alpas sa kawalan ng siyudad ay siya namang pagkaubos ng aking kayamanan. Pera ang nawawala o nababawasan sa akin. Siyempre kapag ako ay lalabas kailangan may pera akong hawak upang matustusan ko ang anumang kagustuhan ng aking tiyan (minsan pati ang aking mga mata). Gumagastos ako ng hanggang 500 daan upang maging masaya sa tuwing ako ay lalabas. Sapat na yun upang bigyan ng pansin ang katawan kong uhaw sa kasiyahan. Nanunuod ako ng mga palabas sa teatro o mga films na pinapalabas sa UP film institute. Hindi na masama para sa isang paghahanap ng aliw tuwing Biyernes. At least napupulutan ko pa ito ng mga aral. Pakatapos nito ay lalabas kami ng aking mga kaibigan upang kumain ng gabihan o dinner (sosyal!) sa anumang kainan na makita namin. Mas gusto namin ang restoran na hindi pa namin napupuntahan. Minsan, kapag busog ang aming mga pitaka eh kaya naming magwaldas para sa pagkain. Hindi naman namin ito laging ginagawa. Hindi linggu-linggo.
Hindi natatapos ang aming gabi sa panunuod ng magagandang play sa teatro o films, o di naman kaya'y sa mga restoran na aming pinagkakainan. Hindi ito natatapos sa tawanan, halakhakan o pagsususnog ng oras sa kung ano pa mang bagay. Lagi kong inaasam at inaantay ang pagbibigay ng aming opinyon sa mga usaping bayan at mga usapin na masasabi kong kaapeapekto sa aming estado ngayon. Ito yung hindi mababayaran ng 500 daan kong ginagastos sa linggu-linggo kong paglabas. Hindi matutumbasan ang mga aral na naririnig ko sa aking mga kaibigan sa tuwing kami ay magpapalitan ngmga opinyon ukol sa mga iba't ibang usapin. Ito, higit sa lahat, ang lagi kong hinihintay sa tuwing sasapit ang biyernes.
Kaya naman higit kong hinihintay ang pagsapit ng susunod na biyernes kasama ang aking mga kaibigan! :)
See you on Friday, Guys! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
yay! ako din laging looking forward to friday :D
ReplyDeletehindi ako excited sam... lalo na kapag ikaw yung kasama! HAHAHA.. joke.. oo nga eh.. :) super saya niyo kasama! :)
ReplyDelete