Sorry. Makikiuso lang po.
i told myself not to write a blog anymore. and here i am, writing one. reasons for not writing a blog? di naman kasi ako marunong sumulat. hindi ko forte. takot ako ma-judge dahil sa mga sinusulat ko, finifilter ko yung mga sinasabi ko. di ako palabasang tao (so syempre kung di marunong magbasa, edi hindi ka rin ganon kabihasa magsulat.), hindi ko world ang pagsusulat, nahihiya ako, takot ako sa ideyang "baka walang bumasa. oh kung mabasa man nila eh baka manghinayang sila sa lumipas na oras". tamad akong magsulat, parang mas madaming dapat gawin kesa magsulat, masyado akong busy para dito. in short madrama ako. maarte.
so bakit pa ko nandidito. hindi ko din alam. walang magawa, pwede. nakikiuso. oo. nagmamagaling. OO. marami na kasi akong kaibigan na may blog. so i decided to have one. and here i am, writing my first ever blog sa blogger.
wala na akong masabi. ay. bukas nga pala ang first day ng second sem ng first year of stay ko sa school. hindi ko alam kung anong dapat gawin. excited. pero mas kinakabahan na kasi ako dahil hindi ko alam ang kahihinatnan ng sem na ito. hindi naman sa pinapangunahan ko ang sarili ko. pero syempre, sino bang estudyante ang ayaw ng magandang sem dahil mabait ang teacher at mataas magbigay ng grade, oh di naman kaya'y ,masayang kasama ang mga kakalasmeyt mo. syempre wala! at isa na ako sa bilang ng mga estudyanteng gusto ang lahat ng mga nabanggit. sana lang talaga ay tama ang mga mundong pinasukan ko ngayung sem.
ang mga mundong papasukan: ID11 at ID14, ARCH 3 and 20, ARTSTUD 2 at GE1 at ang pinakahinintay ko! ang PE2 STD. mukhang ok naman (sana.) ang mga ito. hindi ko lang alam sa mga prof. sana ok din.
so un. un lang. nawawalan na naman ako ng sasabihin. hai buhay.
sorry, dahil nakikiuso lang.
WESLEY! GET A LIFE!
No comments:
Post a Comment