5:01 am - nag-alarm ang phone. snooze.
5:05 am - nang-gising ang phone. snooze.
5:10 am - nang-bulabog ang phone. tayo.
Unang araw ng [asukan namin at medyo excited at kinakabahan ako. natural na lang naman sa ating mga estudyante ang ganitong karanasan. dali-dali kong niligpit ang kama kasi baka ma late ako. 6:00 am dapat wala na ag anino ko sa bahay. naligo. nagbihis, kumain, nagtoothbrush, tumingin sa salamin, nag-goodbye kiss (naks!) kay mama, nagpaalam kay chem-o (aso) then alis. sa wakas!!! nandidito na naman ako sa tapat ng gate ng subdivision namin at naghihintay ng jeep. shooooot system! ang walang katapusang jeep. ang jeep na cubao ang bumubungad sa akin. pero ano to? puno! bale wala din. ayoko namang sumabit, baka madisgrasya pa ako. so cge, hintay pa. ayun. cubao jeep! puno. cge, hintay pa. yahoo. cubao jeep, hindi puno kaya makipagunahan na sa mga tao. sa pagkahaba haba ng pagkakatayo ko kahihintay ng jeep, salamat naman at nakaupo na din. nagbayad.
"Bayad po! (pasigaw). Katipunan. ESTUDYANTE!" sa halagang 16 pesos.
minsan tuloy naisip kona parang ang sarap maging estudyante kung lahat ng babayaran o bibilhin mo ay may discount. parang kay willie revillame lang. sabihin mo lang ang pangalan niya sa technomarine (tama ba spelling?) VWALA! 20% discount. Oha. Paano kaya kung bibili ka ng burger sa mcdo.maari mo kayang sabihin na "hmmm. isa nga pong chicken sandwhich, ESTUDYANTE!" o di namna kaya'y "ito po ang sapatos, bibilhin ko. ESTUDYANTE!" o diba. sarap maging estudyante kung ganito man ang kalalagyan namin/natin. kaya kung ako sayo, lubus-lubosin mo na dahil meron ka na lang tatlo-apat na taon upang gamitin ang makapangyarihang salita, ESTUDYANTE!
"saan ito?" ang driver.
"katipunan." ako.
"galing saan?" ang driver ulit.
"Golden city." ako ulit.
Na miss ko'to ang pwet na kalahati lang ang nakaupo, ang maduming usok na dala ng mga hari ng kalasada, ang mga busina nito at ang trapik. KAASAR! walang kapatusang TRAFFIC. pakasaya.
sana may bumaba na para makapahinga naman ang pwet kong umaaray. ayun. may ilan-ilan din ang bumaba. nahiya yata. salamat. VOLLEYGOLF. grabe! labinlimang minuto na ang nakalipas ah. nandidito pa din ako. buti na lang may mp4 at sirang earphone ako. ok na. naaliw na ko kahit papaano.
party in the usa. zero gravity, down, one two three, freakun dress, get me body, all this time, beautiful, constantly. VOLLEYGOLF!!!!grabe ka naman. joke lang. umusad naman ako kahit papaano. nasa junction naman ako. sa wakas. lumipas ang mga oras.
dive, sweet dreams, hush hush, insomia, de javu, bla bla, doo doo, daadaa, gee gee grr grr... ayun oh. nasa bandang junction pa din ako. hay pilipinas kong mahal, mabuhay ka! ninais kong matulog sa kinauupuan ko pero di ko kaya at di ko magawang matulog dahil naririndi din ako sa mga beep beep ng jeep at ang urong sulong na drama ng sinasakyan ko. tinanawow~ ko ang labas. napa wow talaga ako. sandamakmak ang mga nilalangna naghihintay ng kanilang kapalaran. kaawa-awa, puno lahat ang jeep, wala silang maskayan...
---ooops. hindi ko na natapos. at nawala na ang kopya sa akin ng blog na ito.----
No comments:
Post a Comment