Less is more.

Welcome to my site. This 2013, I'll try to blog more and live more. Hope you'll enjoy my posts! :)

Sunday, December 13, 2009

malapit na. pero bakit malayo pa rin?

12:18 am. sinasamantala ko lang ang gabing ito dahil wala na ako masyadong iniisip para sa susunod na linggo. though may lantern pa at reporting sa id 14, "kebs" lang ika nga ni rie.

lantern. malapit na nga ang pasko. kung hindi ako nagkakamali eh, mga 12 days na lang bago mag pasko. oh my. papakantahin na ang 12 days of christmas. nakakaexcite. pero bakit ganun? papalapit na nga ang pasko ngunit mas lalong hindi ko nafefeel ang kapaskuhan. parang may kulang. parang may puwang. parang wala lang. sa paglipas ng taon ay pawala na din ng pasko. kailan kaya mawawala ito ng tuluyan? para sana'y na ang mga tao. ako. ikaw. para hindi na tayo nagtatanong na "ay malapit na ba?", "12 days na lng ba?", "ano ang ireregalo ko sa mga kaibigan ko, eh wala ako ngayun?".

fireworks. mas excited pa ako para sa new year. kasi maingay ang lahat. mas maraming pagkain. at saka bago ang taon. pero bakit luma ka pa rin? ano nga ba ang tawag sa listahan ng babaguhin sa sarili? (pati yun nakalimutan ko na. wa epek din naman kasi eh) oh basta yun. parang bale wala din naman yun. nabubulok lang yung mga pangako mo sa sarili mo. ginagawa mo lng tanga ang sarili mo sa mga bagay na ginagawa mo lang kasi yun yung IN. lahat meron. lahat may ganun. pero sa totoo, hindi mo rin nman bibigayn ng halaga. ang kakalabasan tuloy ay ang lumang ikaw. dating ikaw, dating wesley. dating ako.

wish ko lang ngayung pasko ay mas makilala ko pa ang sarili ko. yung makita yung authentic na wesley. yung wesley-ing hindi nakikigaya kung anong meron ang iba. yung wesley-ing hindi finifilter ang mga sasabihin. yng wesley-ing mas mabuti (in all aspect), at yung wesley-ing hindi nadidiktahan ng ibang tao, bagay o pangyayari. siguro nga kulang lang ako sa pakikisama. o di naman kaya'y kulang lang ako ng paniniwala sa sarili ko. maraming siguro. isa lang ang sigurado ako sa nagyun.

at yun ay: the only constant thing in this world is change. bakit doon ako sigurado? eh kasi totoo siya. marami kasing pabagobago sa mundo. marami lang ang hindi nagbabago kasi nakilala sila bilang ganon sa simula't sapol pa lang. kung baga, pag nagbago pa sila eh baka hindi na sila kilalanin ng taong kinilala siya nung una. kaya aun. natatakot siya.

oh well, papel, dumbell.

malapit na kaya? sana hindi na siya lumayo pa.

No comments:

Post a Comment