dapat talaga eh hindi ako gagawa ng blog today. kasi nga nakablog na ako kahapon. at ayaw kong gawing parang diary na lang tong blogger ko na masyadong nakabulatlat sa nakararami. pero hindi ko kayang palagpasin ang araw na ito ng hindi ko nasasabi o naibabagagi ang isang bagay na kailangn kong itatak sa sarili ko.
sabi ko tuloy. 'oo nga no, minsan kailangan talagang mangyari ang mga bagay bagay para may ma-realize ka at may matutunan.' at talaga pa lang magandang makipagkaibigan ka sa mga taong mas mataas sayo at minsan eh mas mataas ka. (there would always be lesser and greater person than you- ika nga ng isang indibidwal).
kani-kanina lang eh kausap ko si alma tungkol sa isang bagay. dahil nga ay sanay na siya sa mundo ng showbiz at marami na siyang nakasalamuhang tao eh masasabi ko na mas may alam siya pagdating sa pakikitungo sa mga tao. namomorblema kasi ako sa reporting namin para sa id14 na hindi pa tapos ang video. eh sa tuesday na ipapasa un. so panic mode ako ngayun. tinawagan niya ako, and yun nagusap nga kami. sinabi ko sa kanya ang lahat lahat. na hindi nga ako sana'y sa mga ganitong sitwasyon. at higit sa lahat ay lagi kong sinasabi sa kanya na "baka galit siya sa akin dahil sa nangyari" at marami pang iba. In short, mas nagaalala ako sa sasabihin ng iba kaysa sa project namin na sa tuesday na ipapalabas.
"you know what, hindi makakatulong sa project natin ang mga iniisip mo." sabi niya. bigla akong na "shut up wesley, listen." sa sinabi niya at napaisip sa mga bagay bagay. inexplain niya ang principle na "trabaho lang walang personalan". at naintindihan ko naman kung ano yung gusto niyang iparating sa akin. naintindihan ko with my whole heart and mind na masyado akong OA at paranoid sa mga bagay na hindi naman dapat intindihan dahil mas marami pang kailangan isipan kaysa sa mga walang kwentang bagay. natapos ang usapan namin ng naipamuka niya sa akin na hindi ako dapat magalala sa mga sasabihin ng tao as long as maganda ang intensyon mo.
"remember always that when tasks has to be done, we should focus and set aside feelings. you should not rely on whether you please people or not as long as you constantly tell yourself you're a good person with good intentions u wont feel scared whether people will like you or not. believe me, your personality is likable."
Salamat sa lessons alma.
No comments:
Post a Comment