Malapit ng matapos ang 2009. ilang araw na lang at magbabagong taon na naman. sana sa pagbago ng taon ay pagbago din ng mga bagay bagay. Yung mga bagay na hindi mo ineexpect na magbago. pero syempre. asa ka pa. expect less.
mag twe-2010 na. at kalakip nito ang mga aral na natututunan ko. mga aral na mas higit na natututunan at nakukuwa sa apat na sulok ng silid-aralan. mga aral na kailangang dalhin habang buhay. mga aral na maaring magbago sayo. mga aral na hindi mo dapat kalimutan. dont expect at all.
ano ba talaga dapat? kailan ba dapat mag-expect? kailan ba dapat bawasan ang pageexpect sa mga bagay bagay? o di naman kaya'y kailan ba dapat hindi magexpect at all? ano bang difference ng nagfefeeling at nageexpect? pero feeling ko (feeling ko lang) na depende yan sa tao o bagay na pinag-eexpectan mo. hindi ba? minsan kasi you expect too much from someone (o syempre tao to.) you want to be friends with but he/she does not feel you at all. minsan naman eh sa lahat lahat ng tao/bagay na hindi mo ineexpect eh sila/ito pa ang magbibigay ng hinihintay mo. kaya ang saya, ang gulo. nakakaloko.
Sa ngayun, masaya ako at ngayun pa lang eh nakikita ko na ang disadvantage of expecting too much from someone. hindi nga mganda. panget. para ka lang tanga na naghihintay sa wala. kaya minsan wag na lang umasa sa mga bagay na sa simula't sapol eh hindi naman mangyayari. maging masaya ka na lang kasi hindi ka nagkulang sa pagpapakita sa taong yun kung ano yung kaya mong gawin sa kanya/iba. maging masaya ka na lang kasi ngayun pa lang eh alam mo na na hindi mangyayari ang isang bagay at hindi ka na magmumukhang tanga sa kahihintay sa wala. maging masaya ka na lang kasi naging totoo ka.
Basta, magpakasaya ka na lang. lilipas din ang panahon at matatawa ka na lang kapag binalkan mo ang panahon na namuti na ang mata mo kakahintay sa wala at sasabihin "haha, buti na lang at naisip ko agad na hindi mangyayari yun. (sabay ngiti)." pero salamat sa iyo/ sa mga taong nagpakita sa akin na dapat kong alamin kung kailan mageexpect at kailan hindi. :)
at ngayun, malapit na namang magpasukan, hindi ko ineexpect na matatapos ko ang dapat kong gawin para sa acads ngayun pa't isang linggo na lang ang nalalabi para magsaya. kaya sige. kailangan makatapos ako ng gagawin. para naman makaexpect ako ng magandang grade. haha. :)
expect less or not expect at all? it depends.
No comments:
Post a Comment