Less is more.
Saturday, May 15, 2010
40 php
Naranasan mo na ba ang manakawan? maganchohan? makupitan? matsansingan? manakawan ng halik? ma-snatchan? ma-holdap? ma-kidnap?
Pwes, ako hindi pa. At hindi ko nanaising mangyari sa akin itong mga ito. (except lang sa manakawan ng halik? JOKE! HAHA)
Itong summer e dapat magklaklase ako sa aming unibersidad. Pero dahil sa mga kamalian ng taong nagencode ng timeslot ng ctws2 sa crs e pinakancel ko at nagfile ako/kami ng refund. 2,912.50 php ang aking binayad noon para makapasok sa cwts 2 na kulang ko. Hindi madali ang pagpapaenroll sa aming unibersidad. at sa tingin ko e hindi lang ako ang nagsasabi nito. Katakot takot na pila, matinding init ng araw, matinding init ng ulo ng mga kausap mo sa likod ng mga salamin o windows ang pagdadaanan mo bago ka makapasok sa IISANG klase. Ganyan kami sa UP. PAHIRAPAN ANG PAGENROLL!
Anyway. Bakit ko ba nasama ang school ko dito? Ay tama! kung mamatandaan ko pala e nag demand kami for a refund. Hindi madali ang pagsumite ng mga papeles para sa refund na ito.. Dito mo mararanasan na ibabato ka ng taong kausap mo sa ibang tao at yung taong pupuntahan mo e ibabato ka din sa taong unang kinalagyan mo. Matinding paglalakad ang kailangan bago makakuwa ng kakapirasong papel. At isang buwan din ang gugulin mo sa paghihintay sa isang papel na ang tawag ay tseke (check).
Pero bakit parang feeling ko ay ninakawa ako? Ganito kasi yun. Sa almost 3k kong binayad para sa isang klaseng hindi ko naman alam na hindi ko pala pwedeng kunin at hindi ko rin naman pagkakamali ang pagkuwa ko rito (at ipinahiwatig din ito ng kausap ko sa registrar) ay ang makukuwa ko lang eh (see title above). OO! yan lang ang makukuha ko! Hindi ko alam kung bakit. natanong ko tuloy kung anong pangdededuct ang ginagawa nila sa kanilang computation. Kung malintikan ka nga naman talaga. Saka, in the first place e hindi ko naman kasalanan ang lahat pero bakit ganito ang kahihinatnan ko sa dulo. Siguro ang kasalanan ko lang e nagpalinlang ako agad sa crs at hindi mana lang ako nagtaka kung bakit may cwts2 sa crs. tamang asar lang talaga!
Sa atin diyan.. wag tayong magpapalinlang agad agad. sa mga bagay bagay na nakikita natin.. mahirap na baka magdusa din tayo sa huli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment