Less is more.

Welcome to my site. This 2013, I'll try to blog more and live more. Hope you'll enjoy my posts! :)

Friday, June 11, 2010

Chem-o


CHEM-O

Ito ang pangalawang pagkakataon na gawan ko ng isang blog ang aso naming si chem-o. Ang naging una kong blog ay sa aking multiply site: http://wesley01sanbeda.multiply.com/journal/item/61/chem-o. Kung babalikan ko, masasabi kong puno ng pagmamahal ang nakasulat dito. Sinabi kong mahal ko siya at sana ay mahal niya rin ako. Pero bakit ganon? mukhang umaasim na ang relasyon namin.

Grabe. Siya na ang pinaka-maingay at pinaka maarteng asong nakilala ko. Tahol ng tahol parang asong ulol (aso siya malamang, pero naasar lang ako kapag tahol siya ng tahol). Dito sa aming kanto e siya lang ang pinakamaingay na asong maririnig mo. Hudyat na iyon na gusto na niyang kumain o di naman kaya'y tumae. Pero bakit ganon? Siya lang ba ang asong ganito? Yung ibang aso naman sa aming kanto e hindi ganito, tahimik sila. Hindi sila kasing arte ng aso namin. Ang nakakasar pa minsan dito e kapag ilalabas mo siya (dahil nga tahol siya ng tahol sa kanyang kulungan) e tatahol pa din siya. Tapos papakainin ko siya ng tinapay... tapos ipapasok ulit sa kulungan... tapos tahol ulit siya ng tahol... sa totoo lang... nakakaulol na siya. Ulol na ulol na ako sa kanya.

Sana nagsaalita na lang sila para naman hindi din ako mairita at mahiwagahan sa kung anong gusto niya sa mga panahong tahol siya ng tahol. Sana nakakaintindi din sila na pagod din ako at kailangan magpahinga. Sana e malinawagan ako sa mga nangyayari sa kanya. Sana alam ko kung ano ba talaga yung itinatahol niya. Sana... sana... sana... sana naging aso na din ako para magkaintindihan kami. Pero wag naman sana. Ang gulo.

Pagkakamali ko din naman. Alam kong nawawalan na din ako ng oras kanya. Gawa na din ng mga ginagawa sa skul. Pero sana maintindihan niya din ako. Pero parang hindi. Mas dapat intindihin ko siya. Aso siya, Tao ako. May kakayahan akong umintindi at unti lamang ang sa kanya. Hay. Ewan ko. LQ kami ngayon. Yun ang konkretong alam ko.

Sana lang maintindihan ko ang nais niyang sabihin sa akin. Yun lang at walang ng iba.

Monday, June 7, 2010

Summer love

Ito na talaga ang pinakamasang summer ko. Ito. Ito. Ito. Walang ng iba.

Ang sarap isipin na marami akong ginawa nitong nagdaang buwan. Mga bagay na hindi ko inaasahan na magagawa ko. Buti na lang e may checklist ako ng mga bagay na kinakailangan kong gawin sa taong ito. Pero hindi ko pa nakukumpleto ang aking listahan. Wala pa nga ako sa kalahati. Pero ok lang. Kaya ko to.

Hay, ang sarap mabuhay. Hindi ko lubos maisip na may nagawa ako ngayong summer. Dati kasi lumang tugtugin na ang "Wala akong ginawa nitong summer". At kung susumahin ko ang "boring" statement ko, Hmmm... Siguro tatlo hanggang lima ko lang sinabi ito. Unti lang naman talaga ang mga pangyayari sa akin nitong nagdaan na buwan. Pero lahat ng ito e may halaga, lahat e may saysay, lahat ay napagpulutan ng aral. Kaya naman napakasaya ko dahil masasabi kong "time well spent".


[check] Summer job!

Ito talaga ang isa sa mga pangyayari sa akin na mamimiss ko. Libo libong papel ang aking nahawakan at milyong milyon din ang tsekeng nahawakan ko. OO! Isa sa pinakamalaking tseke na nakita ko e may halagang apat na milyong piso. Ang sayang isipin na nakahawak na ako ng ganitong kalaking tseke. Ngunit mahirap tanggapin na hindi sa akin ito nakapangalan. Pero ok lang. Makakawak din ako ng ganitong kalaking pera. Hindi pa ngayon. Pero alam ko balang araw. Hindi na masama ang pitong libo kong kita upang simulan at makamit ang apat na milyong tseke na akin lamang nahawakan. Pitong libo para sa 28 araw kong pagtratrabaho na may 219 na oras. Hindi na masama. Pero hindi din biro ang aking ginawa. Kahit nakakapagod e nagsaya ako. Totoo ngang hindi lang sa apat na sulok ng silid aralan mo malalaman ang mga bagay na kailangan mong malaman. Dahil ang totoo, sa labas ng silid na ito ang mga mas mahahalagang kaalamanan na dapat nating malaman. Hindi ko talaga ito makakalimutan


[check] Manuod ng show/concert ni Vice Ganda.

HAHAHAHAHA. Nakakatuwa talaga si Vice Ganda. Magaling siya dahil napuno niya talaga ang Araneta. Masaya ang naging konsyerto niya. May mga dead airs pero ok lang. May mga pagkakamali pero ok lang. Ang mas mahalaga e nakapagbigay saya siya sa akin pati na din sa aking ina. Sulit na sulit ang humigit kumulang na dalawang libong ticket na aming ginastos. Sa unting sandaling inilaan ko sa Araneta e ganon naman katagal ang sayang naibigay sa akin ng pangyayaring ito. Pag may problema... Itawa lang yan. Kapag may anumalya... Mawawala din yan. Kapag may aberya.... lilipas din yan. Itawa mo na lang. Sasaya ka pa. Pero hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa tawa. May mga ilan na kinakailangan ng sapat na atensyon at panahon upang ayusin at kumpunihin ang dapat kumpunihin. Saka na magsaya ng lubusan pagkatapos ng problema. Pero ngayon... Tumawa ka muna... Dahil bukas... PASUKAN NA!


Hindi talaga to kasama sa checklist ko.. Isa ito sa mga nagbigay kulay sa summer ko. :D

Marahil ito na ang kumumpleto sa summer ko. Maraing nangyari sa dalawang araw at isang gabing nakasama ko ang aking kapamilya sa choir na aking nasalihan. Masasabi kong nagkaroon ako ng boses at na naramdaman ko ang "appreciation" na hinahanap ko sa iba ngunit... ngunit hindi ko mahanap. Pero ok lang yun. Ganon talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng oras e makukuwa mo ang ginugusto mo. Hindi sa lahat ng oras e magiging masaya ka. Hindi sa lahat ng oras e matatanggap ka ng tao. May ilan na kilala ka. Pero iba yung kilala ka sa kinilala ka. Yung una ay sa pangngalan ka lang kilala pero ang huli ay kilala ang iyong pagkatao. Ngunit, masyado pang maaga upang sabihin na kilala na nila ako dahil ako mismo ay sasabihin kong hindi ko pa rin sila ganon kakilala. Darating at darating din tayo diyan. PERO SALAMAT TALAGA SA INYO AT NAPUNAN NIYO ANG PUWANG NA NARAMADAMAN KO NOONG MGA PANAHON NA YON.... tamaAAAAAAAAAAAA! :D

Hindi lang dito talaga nagtapos ang buhay ko ngayong summer. Marami pa. Katulad ng hindi ko pagkuwa ng aking klase sa iskul, ang pagboto ko sa unang automated election ng bansa, panunuod ko ng apat na palabas sa loob ng isang araw, pagkaroon ko ng external drive (1 terabyte, kasama talaga to sa plano ko), makanuod ng 3D movie lame? ba? haha... pero kasama talaga yan at marami pang iba. Hay... Ang sarap pala talaga mabuhay.

Ngayon, hindi ko masasabing summer = boring dahil naniniwala ako na ang summer = love