Less is more.

Welcome to my site. This 2013, I'll try to blog more and live more. Hope you'll enjoy my posts! :)

Saturday, October 20, 2012

Wag pilitin ang ayaw

Wag mong pilitin ang ayaw. May dahilan kung bakit ayaw ng isang tao o ayaw ng mundo ang gusto mo sanang mangyari. Minsan, dahil sa gusto mong masakatuparan ang iyong kagustuhan nakakaistorbo ka pa ng ibang tao oh di naman kaya'y nagagawa mo ang sa tingin mong hindi mo magagawa dati. 

Ang bottomline... Wag pilitin ang ayaw. Wag pagpilitan ang ayaw ng mundo at ng tao at wag ipagpilitan ang sarili sa mga taong hindi naman nakikita ang kahalagahan mo. Ito'y isang katotohanan na nararanasan ng bawat isa kaya huwag mag reak sa mga nakasulat dito. Hindi dahil nasulat ito ay may pinagdadaanan na ako ngayon. Meron man o wala, ito ay hindi mo maiiwasan. Kaya ngiti na lang. Haayaan mo siya/sila at ang mundo. Gawin mo na lang ang sa tingin mo makapagpapasaya sayo! 

At saka, ngumiti ka. Walang mawawala kung susubukan mo. Mas lalo pang lalapit sa iyo ang magandang enerhiya kapag nakangiti ka. :)

Basta, huwag pilitan ang ayaw at ngumiti na lang. :) :) :) 

No comments:

Post a Comment